Para sa Inyo….

December 21, 2006

Ilang beses ko na ring sinubukang gumawa ng liham para sa ilang mga taong kilala ko sa pamantasan. Ilang beses kong sinimulan, pero kahit isa ay wala akong natapos.

I guess I have to blame all these on myself, for my ever so slowly and painfully failing health. Hah, sana nga I was well enough to attend the boycott para "naisabuhay" ko ang mga sinulat ko, nang hindi ako naaakusahan ng "armchair activism." Nakakalungkot ba na mainsulto ako?

Alam kong tama kayo sa pagpuna sa mga naging kamalian ko sa pagsusulat nung blog entry na yun, pero sana you should’ve stuck with it instead of, ano ba, over-sensationalizing everything? Yung absences ko ay hindi lang sa pagkilos sa school kundi sa mga klase rin. Ayokong gawing big deal ang kalusugan ko. Kung hindi lang sana sumalubong ang mga ganung ideya na natanggap ko through text messages at phone call, back to action. I don’t really feel the need to explain myself.

Although gusto ko pa ring kumilos, nawala bigla yung passion. Sa lahat ng bagay. Pati itong pag-blog. Ang pag-online. Ang pagsusulat. Ang pagbabasa. Simula ng nabasa ko yung messages na yun. Kelangan pala, kahit ang katangi-tanging outlet ng kabuktutan ko ay censored. Hindi naman ako nagpa-practice ng online journalism. Oo nga, siguro nga dapat ang ginawa ko’y ipaliwanag ang papel ni Pacquiao sa imperyalismo at iba’t ibang salot sa lipunan. Dapat kasi ang blog ko, nirerepresent ang bawat UPian at bawat aktibista dahil sinasalamin nito ang pagkatao ko. Sensya, tao lang. In the first place, dapat ay hindi na lang din batbatin ng false assumptions ang isang tao.

Ano yun, pahabol ako? Hindi. Haha! Geesh, what an assumption!

Kung tingin niyo nanlalalaki ako, why don’t you ask the guy you’ve seen
me with? Dapat pala sina Ange at Jez na lang lagi ko kasama, kaso baka
sabihin naman nambababae ako, haha! And since magandang ehemplo ako sa ibang mga kasama dahil lalong lumilinaw ang linya, I guess pwedeng hindi na ako bumalik. Para may good example kayo ng mga dapat wag gayahin.

 

Oh, by the way. I wasn’t talking about myself dun sa shit release and all those things. I was simply putting myself on Marocharim’s shoes, kung ano ang posibleng dahilan ng pagsulat niya nung entry na yun. Pero yun, naging masyado atang personal, kaya in-attribute sa akin yung bagay na yun. Oh well. Dapat maging seryoso sa lahat ng bagay.

That’s not me. And I’m sorry kung hindi ko na-meet ang standards ng pagiging isang tibak. Salamat sa lahat, marami rin naman akong natutunan kahit papaano. Siguro nga hindi pa ako handa - o baka hindi ako kailanman magiging handa - para gampanan ang mga tungkulin, at magkaroon ng wastong aktitud, ng isang rebolusyonaryo.

Wala na akong oras. Malapit na matapos ang set time ko dito sa computer shop. Dami ko pa sana gustong sabihin na di ko pa kayang harap-harapang sabihin sa inyo.

Sana payagan na akong mag-transfer sa ibang school. Sana payagan na akong bumalik sa UP Baguio.

Entry Filed under: Uncategorized. .



1 Comment Add your own

  • 1.    jefferson  |  May 27th, 2007 at 1:53 am

    wala lang. be strong…..

Leave a comment

You must be logged in to post a comment.

Subscribe to the comments via RSS Feed


Calendar

November 2009
M T W T F S S
« Sep    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Most Recent Posts